top of page

e l i h a m a r i

14 basic compositions

OTHER PLATES

food photography

Tensile

available light photography

basic light techniques

lagalag: kahit na babae ako

PAKILALA

          Sa tuwing dadaan ako sa aming kanto papauwi, pumupukaw sa aking paningin ang nag-iisang babaeng traysikel drayber na kayang makipagsabayan sa mga lalaki. Siya ay si Evangelina S. Paltao, kilala sa tawag na Vangie. Siya ay ipinanganak noong ika-pito ng Mayo, 1960. Mayroon siyang tatlong anak at labing-siyam na apo mula rito. Akala ko nung una ay pagtatraysikel lamang ang kaniyang ikinabubuhay ngunit hindi lang pala ito, siya rin ay nangangalakal tuwing gabi, nagtitinda sa kaniyang munting carinderia, at nananahi ng mga basahan. 

         Si Ate Vangie ay nagkaroon ng anim na lalaki sa kaniyang buhay, ang anim na ito ay kaniyang naging asawa at sa limang ito ay namatay. Isa na lamang ang nabubuhay sa anim ngunit hiwalay na sila nito. Maituturing ko siyang inspirasyon sa kababaihan dahil isa siyang babaeng hindi kailangan ng isang lalaki upang siya ay mabuhay at ang kanyang pamilya. Sa buhay niyang ito ay napatunayan niya na kung ano ang kaya ng isang lalaki ay kayang pantayan o higitan pa kahit na siya ay isang babae.

behind the scenes

bike ni goybi

mab-6.jpg

random shits

bottom of page